National News
Bong Go, handang maging “supreme sacrifice” ngayong halalan
Handang magsakripisyo si Senator Christopher Bong Go sa susunod na eleksiyon.
Ito ang pahayag ni Senator Go dahil ayaw niyang may maipit, mamroblema at masasaktan kaugnay sa usapin ng presidential race.
Sinabi ni Go na matanda na si Pangulong Rodrigo Duterte at ayaw na niyang bigyan pa ito ng dagdag na problema at mahirapan maging ang kanilang mga supporters.
Sa kabila nito, ipinauubaya na ni Go ang kanyang kapalaran sa Diyos at sa sambayanang Pilipino kasabay ng pagtiyak niya na magpapatuloy ang kanyang pagsi-serbisyo nang walang kapaguran.
Handa rin aniya siyang “supreme sacrifice” para sa bansa para magkaisa ang mga supporters at leaders.
Binigyang diin ni Go na maraming paraan para makatulong sa kapwa Pilipino kahit saan pa siya dalhin ng kanyang tadhana.
Aminado si Go na patuloy siyang nananalangin ng gabay mula sa Panginoon dahil naniniwala siyang destiny ang pagiging isang pangulo ng bansa.
Kinumpirma din ni Go na bagama’t nakakataba ng puso ang mainit na pagtanggap at suporta ng maraming kababayan pero sa mga nakalipas na araw ay nagkokontrahan ang kanang puso at isip sa kanyang mga ginagawa.
Giit ni Go, tao lang din naman siya na napapagod at nasasaktan at maging ang kanyang pamilya ay nahihirapan na din
