Connect with us

Bong Go, walang balak umatras sa 2022 election – Butch Belgica

Bong Go, walang balak umatras sa 2022 election - Butch Belgica

National News

Bong Go, walang balak umatras sa 2022 election – Butch Belgica

Tiniyak ni Partido ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) adviser Butch Belgica na hindi gagawin ni presidential aspirant Christopher Bong Go na umatras sa kanyang kandidatura.

Sa isang presscon, sinabi ni Belgica na wala sa isip ni Bong Go ang umatras bagkus ang kapakanan ng taumbayan ang nakikita nito.

Nilinaw din ni Belgica na nagdadasal si Go upang makahingi ng divine strength para sa kanyang pagtakbo sa pagkapangulo.

Samantala, pormal nang iniendorso ng PDDS na political party ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tambalang senador Bong Go para presidente at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para sa pagkabise presidente sa 2022 elections.

Ito ang inanunsyo ni PDDS adviser Butch Belgica sa isinagawang press conference ngayong araw.

Sinabi rin nito na hindi sila nababahala sa “uniteam alliance agreement” ng iba’t-ibang partido na sumusuporta sa BBM-Sara Duterte tandem.

More in National News

Latest News

To Top