Connect with us

Bong Suntay, number 1 pa rin sa District 4 ng QC – survey

Bong Suntay, number 1 pa rin sa District 4 ng QC - survey

National News

Bong Suntay, number 1 pa rin sa District 4 ng QC – survey

Number 1 pa rin sa Quezon City 4th District si incumbent Rep. Bong Suntay.

Ito ang resulta ng pinakahuling ‘Pulso ng Pilipino’ survey ng Issues and Advocacy Center o ’The Center’ sa lahat ng mga kaganapan sa eleksyon sa QC.

Ayon kay Director Ed Malay ng The Center, 48% ang nakuhang suporta ni Suntay mula sa mga residenta kumpara sa 45% ng katunggali nitong si Councilor Marvin Rillo.

“Based on the Center’s research, Suntay is armed with the necessary logistics to get reelected,” saad ni Malay.

Ayon naman kay Suntay, patunay lamang ang resulta ng survey na kahit sponsored ito ng kabilang partido ay number 1 parin siya sa puso ng mga taga distrito 4.

“The opposing group has been coming out with alleged surveys which show their candidates having a commanding lead. However, even in their own survey, I have consistently lead,” diin ni Suntay.

“This is very telling, malamang sa sobrang laki ng lead ko hindi nila ito kayang dayain dahil masyadong ma-oobvious. [Ang] kaya lang nilang gawin ay idikit o paliitin ang lamang ko,” pagwawakas ng kongresista.

 

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top