Connect with us

Bongbong Marcos at Inday Sara, pinroklama na bilang susunod na pangulo

National News

Bongbong Marcos at Inday Sara, pinroklama na bilang susunod na pangulo

Naiproklama na ng National Board of Canvassers (NBOC) sina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bilang susunod na pangulo at Sara Duterte bilang vice president ng Republika ng Pilipinas.

Nakakuha si Marcos ng aabot sa 31,629,783 na boto sa official tally para sa presidential race habang 32,208,417 ang botong nakuha ni Mayor Sara.

Saad ni Marcos, ang boto ng mga Pinoy ang pinaka-mahalagang bagay na kanyang natanggap.

Aniya, ito ay mahalagang pagpapahayag ng pagtitiwala.

Nangako naman si Marcos na kahit hindi siya perperkto ay pipilitin niyang makuha ang perfection.

Humihingi naman ng panalangin si BBM sa mga Pilipino dahil gusto niyang gumawa ng mabuti para sa bansa.

Samantala, si BBM ang kauna-unahang majority president na naiproklama simula noong EDSA revolution na nakakuha ng 58%.

At nakakuha naman ng 61% ng boto si Vice President-elect Sara Duterte.

More in National News

Latest News

To Top