Connect with us

Bongbong Marcos, gustong matupad ang gusto ni VP Robredo

Bongbong Marcos, gustong matupad ang gusto ni VP Robredo

National News

Bongbong Marcos, gustong matupad ang gusto ni VP Robredo

Sinang-ayunan ni presidential aspirant Bongbong Marcos ang pahayag ng katunggali nitong si Vice President Leni Robredo na muli silang maghaharap sa eleksyon.

Kasunod ito ng pahayag ni Robredo na mas nais nitong talunin si Marcos sa darating na halalan kaysa madiskwalipika ito sa pagtakbo sa pagka-pangulo.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni Marcos na mas mainam na hindi siya idiskwalipika sa darating na halalan para matupad ang gusto ni Robredo.

Samantala, ngayong araw naman nakatakdang maglabas ng desisyon ang first division ng Commission on Elections (COMELEC) sa tatlong petisyon laban kay Marcos.

Sa susunod na linggo naman maglalabas ng ruling ang COMELEC second division para sa petisyon na pagpapakansela sa certificate of candidacy ni BBM.

More in National News

Latest News

To Top