Connect with us

Bongbong Marcos, nanguna sa poll surveys nina Mayor Isko at VP Leni

Bongbong Marcos, nanguna sa presidential survey ni Mayor Isko at VP Leni

National News

Bongbong Marcos, nanguna sa poll surveys nina Mayor Isko at VP Leni

Nangunguna si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos sa ginawang research at surveys na ginawa mga katunggali nito na sina Manila Mayor Isko Moreno at Vice-President Leni Robredo.

Nakita ng kampo nina Mayor Isko at VP Leni na si BBM ang nais na maging pangulo ng kanilang respondents.

Sa WN Numero’s survey ni Moreno, nakakuha si BBM ng 49% noong October 2021 at tumaas ng 59 % sa isinagawang survey noong January 2-6, 2022.

Sa panig ni Isko, hindi pa iniendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte si Marcos sa sitwasyong ito ay nangunguna na siya kahit sa sarili nilang survey.

Dahil dito, ayon sa survey, ang natatangi lamang na paraan para hindi mailuklok sa pwesto si Marcos ay ang diskwalipikasyon  sa kandidatura nito.

Kung madiskwalipika si BBM, mananalo umano si Moreno batay sa 28% na nakuha nito mula sa survey kung ikukumpara sa 9% ni Robredo.

Samantala, sa focused study na isinagawa ng kampo ni Robredo, madalas na sinasabi ng respondents na walang nagawa ang kasalukuyang bise presidente.

Hindi din umano sapat ang karanasan nito sa politika upang mamuno  bilang punong ehekutibo o pangulo ng Pilipinas.

 

Habang si BBM namanm para sa mga respondent ay itinuturing nilang isang ‘hero’ at ‘magician’.

Pinaniniwalaan ng mga ito na si Marcos lamang ang may kakayahang maipagpatuloy ang nasimulang pagbabago ni Pangulong Rodrigo Duterte at magpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

Naniniwala din ang mga respondents na may layunin si BBM na maiangat ang Pilipinas tulad ng ama nitong si Ferdinand Edralin Marcos Sr.

More in National News

Latest News

To Top