Connect with us

BPI prepaid cards, ipapa-deactivate na sa Disyembre

BPI prepaid cards, ipapa-deactivate na sa Disyembre

Business

BPI prepaid cards, ipapa-deactivate na sa Disyembre

Deactivated na simula Disyembre 27, 2024 ang lahat na prepaid cards ng Bank of the Philippine Islands (BPI).

Sa facebook post rin ng BPI, simula Setyembre 30 ay ititigil na nila ang loading ng funds sa naturang mga card sa pamamagitan ng BPI app, online banking at cash accept machines.

Partikular na maaapektuhan sa deactivation ay ang Amore Visa Paywave at Beep, BPI ePay Gift Card, at BPI ePay Corporate Mastercard at Visa.

Kasali rin ang BPI ePay Retail Mastercard at Visa at Virtual ePay Mastercard.

Sa lahat ng mga may balance, maaaring mai-transfer ang funds sa isang BPI deposit account o sa VYBE e-wallet.

Kung walang BPI deposit account, maaaring gumawa na at mag-request ng BPI Debit Mastercard o i-download ang VYBE app.

More in Business

Latest News

To Top