COVID-19 UPDATES
BREAKING | 9 na preso sa Quezon City Jail, nagpositibo sa COVID-19 – BJMP
Nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang si na bilanggo sa Quezon City Jail.
Kinumpirma ito ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson Xavier Solda sa virtual press briefing.
Ayon kay Solda, dinala na ang mga bilanggo sa isang quarantine facility sa Payatas.
9 na BJMP personnel din ang naka-home quarantine matapos magpakita ng sintomas gaya ng sore throat.
Sinabi ni Solda na sinimulan na ang contract tracing para matukoy ang mga indibwal na may direct contact sa mga confirmed cases.
Ngayong araw, tinatalakay ng Supreme Court ang urgent petition na humihiling na palayain ang low-risk at vulnerable prisoners para ma-decongest ang mga bilangguan at mailigtas ang mga ito mula sa COVID-19.