Connect with us

Bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 49

COVID-19 patient na tumakas, natagpuan na

Breaking News

Bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 49

Tumaas pa ang bilang ng mga kumpirmadong may coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Sa press briefing ng Department of Health ngayong hapon, inihayag ni Asec. Dr. Ma. Rosario S. Vergeire na nadagdagan pa ng 16 ang bilang mga COVID-19 patient sa bansa.

Dahil dito, umaabot na sa 49 ang kumpirmadong may COVID-19 sa Pinas.

“The DOH and deployed surveillance teams are now conducting extensive information-gathering and contact tracing activities on the new cases,” saad ni Asec. Vergeire.

Dagdag pa ng opisyal, “As of today, PH25-PH28, PH30-PH33 are all in stable condition. PH29, a known contact of PH9, is intubated and has underlying cardiovascular and endocrine conditions.

Samantala, naitala naman DOH ang ikalawang nasawi sa COVID-19 sa bansa.

Ang nasawi ay si Patient 35 na isang pinay na may edad na 67 taong gulang.

Ayon sa DOH, Pebrero 29 nang magpakita ito ng sintomas ng sakit at nakumpirma lamang kahapon.

Naka-confined naman si Patient 35 sa Manila Doctors Hospital sa Maynila.

Magugunita na unang nasawi sa bansa dahil sa COVID-19 ang 44-year old na lalaking chinese.

Sa ngayon, puspusan pa rin ang ginagawang contact tracing ng DOH sa mga nakasalamuha ng mga pasyente.

Sa huling tala ng World Health Organization (WHO) umabot na sa mahigit 118,000 ang bilang ng mga kumpirmadong may COVID-19 sa 114 na mga bansa buong mundo kung saan nasa mahigit 4,200 na ang nasawi.

 

More in Breaking News

Latest News

To Top