Connect with us

DOH, kinumpirma ang ikatlong kaso ng 2019 novel coronavirus sa bansa

Kinumpirma ng Department of Health ang pangatlong kaso ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease o 2019- nCoV ARD sa bansa.

Breaking News

DOH, kinumpirma ang ikatlong kaso ng 2019 novel coronavirus sa bansa

Kinumpirma ng Department of Health ang pangatlong kaso ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease o 2019- nCoV ARD sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, isang 60 anyos na Chinese woman ang  naitalang bagong kaso ng nCoV-ARD sa Pilipinas.

Aniya, galing Wuhan City ang babaeng Chinese noong Enero 20 at dumating sa Cebu at kalaunan ay dumeretso sa Bohol.

Enero a-22 nang unang magpakonsulta sa isang private hospital sa Bohol ang dayuhan matapos itong lagnatin.

Dalawang beses itong kinuhanan ng sample para ipa-test sa posibleng kaso ng nCoV noong Eneryo a-23 at a-24.

Ipinadala ang sample ng Enero a-24 sa RITM at Australia na kapwa lumabas na negatibo.

Bumuti ang pakiramdam ng nito kaya’t pinayagan na rin itong makalabas ng ospital at makabalik sa China noong Enero a-31.

Ngunit noong Pebrero a-3, sinabi ng RITM sa DOH na ang samples na kinuha sa dayuhan noong Enero a-23 ay nagpositibo sa nCoV na siyang pangatlong naitalang kaso ng nasabing sakit sa bansa.

Mataandaan na inanunsyo ng DOH ang unang kaso ng nCoV sa bansa noong Enero a-30 na isang Chinese na baba rin na edad 38 anyos na ngayon ay bumubuti naman ang kalagayan.

Samantala, ang pangalawang naitalang kaso naman ay ang 44 anyos na lalaking partner nito na pumanaw noong Linggo, Pebrero 2.

 

Continue Reading
You may also like...

More in Breaking News

Latest News

To Top