Connect with us

BREAKING | Hostage drama, nagaganap sa Virra Mall sa Greenhills, San Juan City

breaking-hostage-drama-nagaganap-sa-virra-mall-sa-greenhills-san-juan-city

Metro News

BREAKING | Hostage drama, nagaganap sa Virra Mall sa Greenhills, San Juan City

Isang hostage taking ang nagaganap sa Virra Mall sa Greenhills sa lungsod ng San Juan.

Nasa 30 katao ang umano’y hawak-hawak ngayon ng isang armado sa loob ng admin office ng naturang mall.

Ayon sa inisyal report na nakalap ni San Juan Mayor Francis Zamora, ang hostage taker ay dating security guard na sinibak kamakailan ng kaniyang security agency.

Ani Mayor Zamora, nag-AWOL ang hostage taker at bumalik upang gumawa ng ilang demanda at sinubukan pang isama umano ang mga kasama niyang sekyu na mag-kudeta laban sa pamunuuan ng mall.

Patuloy naman ang pakikipagnegosasyon si Mayor Zamora sa nasabing gwardya na pigilang magpaputok ng baril.

Una nang naiulat na may nabaril at isinugod ito sa Cardinal Santos Medical Center.

Mayroon ding bitbit umano na granada ang hostage taker.

Kinumpirma naman ng management ng Greenhills Center na kapwa sekyu ang nabaril sa insidente.

Nagpaalala din ang management ng mall na mag-ingat at huwag maniwala at pagpakalat ng hindi kumpirmadong balita online hinggil sa insidente.

Tiniyak naman ng San Juan Mayor na malayo ang mga tao sa lugar kung saan nagaganap ang hostage-taking.

More in Metro News

Latest News

To Top