Connect with us

Brgy at SK elections, magandang masuspinde muna – Usec. Valmocina

Brgy at SK elections, magandang masuspinde muna – Usec. Valmocina

National News

Brgy at SK elections, magandang masuspinde muna – Usec. Valmocina

Personal na ninanais ni Department of the Interior and Local Government ( DILG) Usec. for Barangay Affairs Chito Valmocina na suspendihen ang SK at Barangay Elections.

Naiintindihan aniya ang ninanais ng ilang mga mambabatas at maging si Pangulong Bongbong Marcos na gamitin ang pera na igugol dito sa COVID-19 pandemic recovery.

Maliban pa dito ayon kay Usec. Valmocina, kahit palitan ang mga kasalukuyang barangay officials ng panibago, may isyu parin naman ang mga ito sa kani-kanilang nasasakupan.

“So para sa akin, personal sabi ko nga, mai-postponed muna dahil kahit naman po mag election, after election ganoon pa rin, may issue pa rin. ‘Yung mga natalo, talagang meron nagpo-protesta at hindi naman nangyayari sa atin na yung eleksyon, after eleksyon magkakaibigan na minsa lumalala pa yung away,” ani Valmocina

Samantala, sinabi ni Valmocina na tuloy na tuloy ang laban ng pamahalaan kontra iligal na droga at krimen lalong-lalo na sa barangay level.

Ito’y dahil napakaganda ang nasimulan ng Duterte administration sa naturang kampanya.

Ang kaibahan lang nito ani Valmocina sa nagdaang administrasyon ay mas paiiralin sa ngayon ang due process at rule of law.

 

More in National News

Latest News

To Top