National News
Brgy. Chairman, patay matapos mabagsakan ng gumuhong barangay hall kasunod ng lindol sa Tulunan, Cotabato

Patay ang isang barangay chairman sa bayan ng Makilala, North Cotabato matapos mabagsakan ng gumuhong Barangay Hall matapos tumama ang 6.5 Magnitude na lindol kaninang umaga sa Tulunan, Cotabato.
Kinilala ang nasawi na si Barangay Captain Cesar Bangot ng Barangay Batasan, Makilala, North Cotabato.
Ayon sa ulat, nasa loob ng barangay hall ang kapitan nang gumuho ang naturang pasilidad at madaganan ito ng malalaking tipak ng bato.
Samantala, maraming kalsada ang nakitaan ng malalaking bitak.
Nagkaroon din ng malalim at mahabang bitak ang National Highway sa Makilala.
Napinsala din ang simbahan at ospital sa bayan habang gumuho ang isang gymnasium dito kung saan naka-evacuate ang mga residente.
Ang Makilala ang isa sa mga bayan na apektado ng tatlong magkakasunod na lindol na tumama sa Tulunan, North Cotabato sa loob lamang ng 2 linggo.
Karen David
Naantala ang pag-canvass ng mga boto sa Cebu Province dahil sa pumalyang USB ng isang automated...
Sa halos kumpletong bilang ng mga boto, lumilitaw na ang mga re-electionist at mga dating senador...
Iniharap ng National Bureau of Investigation (NBI) sa media ang 6 na indibidwal na umano’y sangkot...
Handang handa na ang buong hanay ng Philippine National Police (PNP) para sa inaasam na maayos,...
Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P2K na across the board increase...