National News
Brgy. officials, isinusulong na maging SSS members
Published on
Isinusulong ng Social Security System (SSS) ang pagkakaroon ng social security protection ng barangay officials at mga kagawad.
Kapag miyembro anila ang mga barangay official at mga kagawad, makatatanggap na sila ng lifetime monthly pension kung magreretiro na ito mula sa public service.
Isang uri rin naman na investment ani SSS President at Chief Executive Officer Rolando Macasaet ang pagiging miyembro lalo na’t magagamit rin ito tuwing nagkakasakit, mawalan ng trabaho at marami pang iba.
Upang makatanggap ng pensyon, kailangan lang ayon sa SSS na makabayad ng hanggang 120 monthly contributions ang isang myembro.
Continue Reading
You may also like...
Related Topics:barangay officials at mga kagawad, Featured, lifetime monthly pension, Social Security System (SSS), SSS President at Chief Executive Officer Rolando Macasaet