Connect with us

British tourist na nagpositibo sa Coronavirus, ang pangatlong kaso ng COVID-19 sa Cambodia

British tourist na nagpositibo sa Coronavirus, ang pangatlong kaso ng COVID-19 sa Cambodia

COVID-19 UPDATES

British tourist na nagpositibo sa Coronavirus, ang pangatlong kaso ng COVID-19 sa Cambodia

Kinumpirma ni Cambodian Health Minister Mam Bunheng na ang ikatlong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa ay isang British tourist na sakay ng isang river cruise na pag-aari ng Swiss Cruise Line Operator na Viking.

Ayon kay Bunheng, nagsimula ang river cruise sa bayan ng Tho malapit sa Ho Chi Minh City sa Vietnam, dumaan ito ng Phnom Penh at dumaong sa Mekong River sa Kampong Cham Province.

Sakay ng nasabing cruise  ang 30 pasahero at  34 na crew members na ngayon ay naka-quarantine na sa loob ng barko.

Sa kasalukuyan ay inaayos na ng health ministry ang paglilipat sa nasabing babaeng turista mula sa barko sa isang isolation ward sa Kampong Cham Provincial Hospital para magamot at maoberbahan ang kalagayan.

Ang nasabing 65-anyos na British woman kasama ng 5 pa ay dumating sa Noi Bai International Ariport sa Hanoi noong Marso 2 sakay ng vietnam Airline 54 mula sa London.

Kaugnay nito, nagsagawa na ngayon ng contact tracing ang pamahalaan sa mga kasamahang pasahero ng turista na sakay ng nasabing flight.

Pinaghahanap na rin ng ministry ang mga taong nagkaroon ng contact sa 5 British nationals kabilang na translator na nakasama nito sa Khmer-Soviet Friendship Hospital sa Phom Penh.

 Ulat ni: Jessica Grace Manuawan

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top