COVID-19 UPDATES
Broadcaster Howie Severino, ibinahagi ang karanasan sa pakikibaka sa COVID-19
Isiniwalat ng broadcast/journalist na si Howie Severino na siya si Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) patient 2828.
Sa isang artikulo, detalyadong ikwinento ng ni Howie ang kanyang karanasan sa pakikibaka sa naturang sakit at pagiging COVID-19 survivor.
Ito ay matapos ang 9 na araw na confinement at pakikipaglaban sa sakit ay nakauwi na siya sa kaniyang tahanan.
Giit ni Howie, utang niya sa mga bayaning health frontliners ang kaniyang buhay at paggaling.
Labis aniya ang kaniyang pasasalamat sa mga ito sa pag-alaga ng husto sa kaniya at iba pang COVID-19 patients sa kabila ng panganib na maari rin silang mahawa.
Hindi aniya matatawaran ang serbisyo na ipinagkakaloob ng mga frontliners.
Kasabay nito ay binigyang liwanag din ni Howie ang talamak na diskriminasyon na nararanasan ng mga tinamaan ng COVID-19.