Connect with us

BRP Antonio Luna, nagsagawa ng medical evacuation at no radio drill

Nagsagawa ang Naval Task Group 80.5 ng medical evacuation (MEDEVAC) at No Radio drill (NORDO) sa BRP Antonio Luna (FF151)

National News

BRP Antonio Luna, nagsagawa ng medical evacuation at no radio drill

Nagsagawa ang Naval Task Group 80.5 ng medical evacuation (MEDEVAC) at No Radio drill (NORDO) sa BRP Antonio Luna (FF151) habang patungo sa Guam.

No description available.

PHOTO COURTESY: PHILIPPINE NAVY

No description available.

PHOTO COURTESY: PHILIPPINE NAVY

Ayon kay Philippine Navy spokesperson Commander Benjo Negranza, bahagi ng pagsasanay ang pag-airlift sa isang crew na nasaktan at kailangang dalhin sa pinakamalapit na ospital.

Sa kasagsagan ng NORDO, ang AgustaWestland AW109 helicopter ng Navy ay nagsagawa ng low pass flying at flashing of lights para sa kanilang “no radio communications” habang nasa himpapawid ito.

No description available.

PHOTO COURTESY: PHILIPPINE NAVY

No description available.

PHOTO COURTESY: PHILIPPINE NAVY

Habang ang barko ay nagsagawa ng flag hoisting upang ihatid ang intensyon na natanggap mula sa helicopter at ang status ng deck sa panahon ng flight quarters.

Ang MEDEVAC at NORDO ay kabilang sa mga pagsasanay na regular na ginagawa sa barko upang ihanda ang mga tauhan sa oras ng emergency situations.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top