Regional
BSWM at militar, target magsagawa ng cloud seeding operations sa Magat dam
Target ng Bureau of Soils and Water Management (BSWM) at militar na magsagawa ng cloud seeding operations sa Magat dam sa lalawigan ng Isabela.
Ito ay dahil sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Magat dam.
Ayon sa BSWM, maaaring hindi maka-rekober o maantala ang planting season ng first cropping bunsod ng kawalan ng ulan.
Ang nasabing dam ang pinagmumulan ng suplay ng tubig para sa kuryente at irigasyon sa Northern Luzon.
Isinusulong ng mga Department of Agriculture at ng kaukulang ahensya ng pamahalaan ang cloud-seeding operations para mabawasan ang epekto ng El Niño.
DZARNews
