Uncategorized
BUCOR at NBP Offcials, pinakakasuhan ng Senado dahil sa GCTA Law
Inadopt ng Senado ang rekomendasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na sampahan ng kaso ang mga opisyales ng Bureau of Corrections at New Bilibid Prison dahil sa mga natuklasang pang-aabuso sa pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance Law (GCTA).
Ilan sa mga Bucor Official na pinakakasuhan ng Senado ay sina Former Bucor Chief Nicanor Faeldon dahil sa paglabag sa Sec. 3 ng Anti Graft and Corrupt Practices Act kaugnay sa hindi nito pagkilala sa Department Order 953.
Pinakakasuhan din nito sina Ramoncito “Chito” Roque, Chief of the Documents and Record Section ng BuCor, Ma. Benilda “Mabel” Bansil, Bucor Senior Inspector at Veronica “Boday” Buno, Corrections Officer dahil sa pagtanggap ng pera kapalit ng maagang pagpapalaya ng mga ito sa mga bilanggo.
Kasama rin sa nais pakasuhan ng Senate Blue Ribbon Committe ay mga doktor na sina Dr Ernesto Tamayo, Director for Directorate for Health services, Dr. Ursicio Cenas na isang Medical Officer at ang nurse attendant Ms. Meryl Benite dahil sa pagtanggap naman ng pera kapalit ng Hospital Pass para sa mga drug lord.
Ang hospital pass ang siyang ginagamit ng mga drug lord para maconfine sa hospital kahit wala namang sakit para maipagpatuloy ang kanilang illegal drug transactions sa loob ng kulungan.
