Connect with us

BuCor Chief Bantag, pinapalantad ng kapatid ni Percy Lapid

BuCor Chief Bantag, pinapalantad ng kapatid ni Percy Lapid

National News

BuCor Chief Bantag, pinapalantad ng kapatid ni Percy Lapid

Nanawagan ang kapatid ni Percy Lapid na si Roy Mabasa kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General, Gerald Bantag na sana ay lumantad o personal na siyang humarap sa idaraos na preliminary investigation ng Department of Justice sa December 5.

Ito ay matapos hindi sumipot si Bantag sa unang pagdinig sa kaso na ni-reset naman dahil mali ang middle name na nakasulat sa ipinadalang subpoena kay Bantag.

Iginiit ni Mabasa na mainam na lumantad na si Bantag para magkaroon siya ng pagkakataon na patunayang wala siyang kinalaman sa krimen.

Ipinaliwanag naman ni Mabasa na hindi sila nagmamadali dahil ang nais lang umano nila ay makuha ang hustisya kaya hahayaan na lang nila na gumulong o magpatuloy ang pagdinig dahil ito anya ang naaayon sa batas.

More in National News

Latest News

To Top