Connect with us

BuCor Chief Faeldon, isinisi ang legal team kaya nito napirmahan ang release order para kay Ex-Calauan Mayor Sanchez

National News

BuCor Chief Faeldon, isinisi ang legal team kaya nito napirmahan ang release order para kay Ex-Calauan Mayor Sanchez

IGINIIT ni BuCor Director Nicanor Faeldon na dahil sa pamimilit ng legal office ng BuCor kaya niya napirmahan ang release order para kay dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay Faeldon, paulit-ulit na sinabi ng mga legal expert sa kaniya na hindi niya maaaring pigilan ang pagpapalaya kay Sanchez dahil sa gcta law at maaaring siya pa ang makasuhan kung hindi nito gagawin ang pagpapalaya sa dating alkalde at halos 2,000 iba pang bilanggo.

Paliwanag pa ni Faeldon, noon pa man ay hindi siya kumbinsido na qualified sa GCTA si Sanchez dahil sa mga violations nito tulad na lamang ng pagkakaroon ng malaking halaga ng pera na bawal para sa isang bilanggo at ang pagkakaroon nito ng kubol sa loob ng kulungan.

Binunyag naman nito na sa kabila ng violation ay wala siyang nakitang record ng violation nito na iprinesenta sa kaniya.

Giit niya minuto lamang ang nakalipas pagkatapos niya pirmahan ang released order ay agad niya itong pina-recall sa record section at pinatigil ang nakatakdang pagpapalaya kay Sanchez noong Agosto 20.

DZAR1026

More in National News

Latest News

To Top