Connect with us

Bucor Chief Faeldon, itinanggi na pinirmahan nito ang release order ni Ex-Mayor Sanchez

National News

Bucor Chief Faeldon, itinanggi na pinirmahan nito ang release order ni Ex-Mayor Sanchez

NANINDIGAN si Bureau of Correction (BuCor) Chief Nicanor Faeldon na wala siyang nilagdaan ng anumang relase order para kay Ex-Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Inamin naman ni Faleon na nakatanggap siya ng memorandum para iproseso ang mga credentials ng mga bilanggo na maaring mapalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Kasama nga sa libo-libong naproseso ay ang kaso ni Mayor Sanchez na kung saan ayon sa BuCor chief ay hindi niya inaprubahan dahil na rin sa bigat ng krimeng ginawa nito.

Sinabi din ni Justice Sec. Menardo Guevarra na wala siyang natanggap na recommendation mula sa BuCor na palayain si Mayor Sanchez.

Batay sa department order 953 ang kalihim ng Department Of Justice (DOJ) ay ang may kalayaang irevise o approbahan ang anumang rekomendasyon mula sa BuCor hinggil sa pagpapalaya ng mga bilanggo.

DZAR1026

More in National News

Latest News

To Top