Connect with us

BuCor Chief Nicanor Faeldon, pinasisibak kay Pangulong Duterte dahil sa isyu ng GCTA

Bucor Chief Nicanor Faeldon

National News

BuCor Chief Nicanor Faeldon, pinasisibak kay Pangulong Duterte dahil sa isyu ng GCTA

NANAWAGAN sina Senadors Risa Hontiveros at Leila de Lima kay Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin sa puwesto si Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon.

Ito ay dahil sa posibleng pagkakalaya ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), at may release order na may petsang Agosto 20 na nilagdaan ni Faeldon.

Dahil dito, sinabi ni Hontiveros na hindi karapat-dapat si Faeldon na pagkatiwalaan ng taumbayan at dapat ding makulong dahil sa paglabag sa GCTA.

Kinondena din ni Hontiveros ang pagpapalaya ni Faeldon sa apat na Chinese drug traffickers na ayon sa PDEA ay hindi sumusunod sa tamang proseso.

Sinisi naman ni Sen. Leila de Lima si Pangulong Duterte sa naturang pangyayari dahil sa pagrerecycle nito ng mga tiwaling opisyal.

Sinabi pa ni de Lima na sa kabila ng mahigpit na kampanya kontra katiwalian ay tila nabubulagan si Duterte sa mga opisyal ng gobiyerno na sangkot sa korapsyon.

Ulat ni: Charlie Nozares

More in National News

Latest News

To Top