Connect with us

BuCor Dir. Bantag, mananatili sa pwesto

National News

BuCor Dir. Bantag, mananatili sa pwesto

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na mananatili pa rin bilang hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) si Director General Gerald Bantag na itinalaga noon ni dating Pang. Rodrigo Duterte bilang Officer-in-Charge sa BuCor kapalit ni Nicanor Faeldon noong 2019.

Nito namang nagdaang Marso ngayong taon ay tuluyan ng itinalaga ni Duterte si Bantag at pormal na nanumpa bilang Director General ng BuCor.

Ipinaliwanag ni Justice Secretary Crispin Remulla na napagdesisyunan niyang manatili si Bantag sa BuCor dahil nakasaad naman aniya sa BuCor Act of 2013 na ang director general ng BuCor ay may tour of duty na hindi lalagpas sa 6 na taon.

Kaugnay nito ay agad na nagpulong sina Remulla at Bantag, pero walang pag-amin si Remulla kung may special order ba siya kay Bantag at kung anu-ano ang kanilang napag-usapan.

More in National News

Latest News

To Top