Connect with us

BuCor officials Veronica Bunyo at Maribel Bansil pina-contempt ng Senado

pina-contempt ng Senado

National News

BuCor officials Veronica Bunyo at Maribel Bansil pina-contempt ng Senado

PINA-CONTEMPT din ng Senate Blue Ribbon Committee ang dalawang Bureau of Corrections officials  na sila Veronica Buno at Maribel Bansil dahil sa pagsisinungaling sa kanilang partisipasyon sa “Good Conduct Time Allowance for Sale” scheme sa NBP.

Sa mga nagdaang pagdinig ay pinabulaanan ng dalawa na nakipag-ugnayan sila sa isang witness  at  asawa ng inmate na si Yolanda Camilon para sa  maagang paglaya ng asawa nito kapalit ng P50, 000.

Matatandaan naman na paulit-ulit na itinanggi ni Bansil na siya ang lumapit kay Camilon para makipagnegosasyon kapalit ng maagang pagpapalaya ng asawa nito.

Samantalang pinabulaanan naman ni Buno na hindi niya kilala si Camilon o nakikipag-usap dito sa telepono para sa kanilang mga transaksyon.

Pero sa ulat ni National Bureau of Investigation Chief Dante Gierran Batay sa kanilang mobile forensic investigation ay kinumpirma nito na may komunikasyon nga si Buno at Camilon na naging dahilan para i-contempt ng Senate Blue Ribbon Committee ang dalawang BuCor officials.

Nakapagpasya naman ang komite na sa halip na sa NBP ikulong ang dalawa ay sa basement na lamang ng Senado para sa kanilang seguridad.

 

DZAR1026

More in National News

Latest News

To Top