Connect with us

Budget at abogado ng PAO, kailangang dagdagan – Sen. Tulfo

Budget at abogado ng PAO, kailangang dagdagan – Sen. Tulfo

National News

Budget at abogado ng PAO, kailangang dagdagan – Sen. Tulfo

Binigyang-diin ni Senator Idol Raffy Tulfo ang pangangailangan ng gobyerno na palakasin ang Public Attorney’s Office (PAO) sa pamamagitan ng pagdadagdag ng budget at mga abogado na parte ng ahensya.

“Gagawin natin ang ating makakaya para madagdagan ang budget ng PAO. Kahit ano man ang matutulong ng tanggapan ko, gagawin natin,” ani Sen. Raffy Tulfo.

Sa courtesy visit ni PAO Chief Persida Acosta sa opisina ng Senador kahapon, sinabi ni Tulfo na makikipagtulungan siya sa ahensya para mas epektibo itong makapagbigay-serbisyo sa mga Pilipino.

May be an image of 6 people, people sitting, people standing, indoor and text

Sen. Raffy Tulfo FB page

Ibinahagi din ng mambabatas ang kanyang napansin na walang tumatagal sa PAO.

Aniya ang mga abugado sa opisina ay kumukuha lang ng experience, tapos lumilipat na dahil sa sobrang dami ng trabaho.

 “Overworked sila. After five years, nagfi-fiscal na sila or nagja-judge. Lumilipat kasi napapagod,” saad ni Atty. Persida Acosta, PAO Chief.

Aminado naman si Atty. Acosta, hindi sapat ang kasalukuyang 2,400 na abogado sa buong bansa sa ilalim ng PAO.

“Hanggang kaya, sana ay mayroong enough assistance ang indigent parties pagdating sa inquest level. Kasi kung minsan ‘yung Fiscal, nagde-decide din basta-basta na kulang sa ebidensya,” giit pa ni Sen. Tulfo.

Kahit kulang sa bilang, sinabi ni Tulfo na umaasa siyang masisiguro pa rin ng PAO na matatrato ng tama at mabibigyan ng hustisya ang lahat ng nangangailangan ng tulong ng ahensya.

 

 

More in National News

Latest News

To Top