National News
Budget ng Office of the President sa 2023, mabilis na nakalusot sa komite sa Kamara
Mabilis lamang na nakalusot sa pagbusisi ng ang P9-billion proposed budget ng Office of the President sa susunod na taon.
Wala pang 10 minuto ang talakayan ay aprubado agad ng komite ang budget ng tanggapan ng Pangulo.
Sa nabanggit na budget, P4.5 billion dito ay para sa confidential AMD intelligence funds.
Nagpasalamat naman si Executive Secretary Vic Rodriguez sa suporta ng kongreso sa budget ng OP.
Giit ni Rodriguez, natitiyak ang sambayanan na gagamitin sa tama ang pondo para isulong ang interes ng bayan.
“You can be assured that the Office of the President is here together with you, your honors, in meeting the expectations and hopes of the more than 112 million Filipinos which the President now leads,” saad ni Rodriguez.