Connect with us

Budget ni BBM para sa taong 2023, aabot ng P5.268 trillion

Budget ni BBM para sa taong 2023, aabot ng P5.268 trillion

National News

Budget ni BBM para sa taong 2023, aabot ng P5.268 trillion

Aabot sa P5.268 trillion ang full-year budget ni presumptive president Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. para sa taong 2023.

Inanunsyo ni Department of Budget and Management (DBM) officer-in-charge Tina Rose Marie Canda ang proposed national budget.

Ito ay sinundan ng Budget Coordination Committee na nagtataglay ng economic managers ng bansa.

Dagdag pa ni Canda, ang proposed budget sa susunod na taon ay kapantay ng 22.1% ng gross domestic product ng bansa.

Samantala, ang budget ceiling na inaprubahan ng mga economic manager ay mas mataas sa P5.242-trillion na inilaan ng economic team noong December 2021.

Ayon pa rin kay Canda, ang P5.268 trillion ay itinakdang para sa 2023 national budget dahil sa inaasahang mas mataas na revenue na makokolekta ngayong taon.

Kaugnay nito, sinabi ni Canda na dapat mag-stick ang susunod na pangulo sa nasabing budget para patuloy na igalang ng international financial committee.

More in National News

Latest News

To Top