Connect with us

Budget para sa 2025 free WIFI program, hanggang 5 buwan lang

Budget para sa 2025 free WIFI program, hanggang 5 buwan lang

National News

Budget para sa 2025 free WIFI program, hanggang 5 buwan lang

Hanggang 5 buwan lang ang maaabot ng badyet na ibinigay para sa libreng WIFI program sa taong 2025.

Sa inilahad ng Department of Information and Communications Technology (DICT), mula sa ipinanukalang P10.4B ay nasa P2.5B lang ang inilaan para sa libreng WIFI program.

Kung sisilipin, nasa 13,462 free WIFI sites ang mini-maintain at ino-operate ng DICT sa mga pampublikong lugar at state universities and colleges.

Sa kabilang banda, nakatanggap sila ng P3.6B na special allotment release order kamakailan mula sa Department of Budget and Management (DBM) at Kongreso.

Subalit kaya lang nito ang hanggang sa katapusan ng taon at karagdagang dalawang buwan sa 2025.

More in National News

Latest News

To Top