National News
Budget Sec. Diokno, dumipensa sa pagpapaliwanag ng inflation rate
PINABULAANAN ni Budget Sec. Benjamin Diokno na nililinlang niya ang publiko kaugnay ng inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.
Ipinunto ni Diokno na maayos na na-i-ulat at na-ipaliwanag ng economic team ang mga pangunahing dahilan ng mataas na inflation.
Kagaya rito ang presyo ng mga pagkain na kinabibilangan ng bigas, isda, gulay at karne.
Inihalimbawa ng kalihim ang karne kung saan nagmahal ang pork importasyon.
Dahil daw ito sa African swine fever gayundin ang pagtaas ng presyo ng isda bunsod naman ng global warming.
Inamin din ni Diokno na ang pagsipa ng presyo ng langis ang malaking determinant ng inflation rate.