International News
Buhawi, nanalanta sa Southern America; higit 30 katao, patay
Hindi bababa sa 30 ang patay sa pananalanta ng buhawi sa ilang southern states ng Amerika.
Batay sa tala ng US Department of Emergency Management, 11 ang naitalang patay sa Missisippi, 6 sa South Carolina, 6 sa Georgia habang isa sa Arkansas.
Sa nakalipas na araw, tinatayang aabot sa 60 buhawi ang tumama sa Louisiana, Texas at Mississippi.
Tinamaan naman ng malalakas na bagyo na nagdulot ng pagbaha ang Alabama, Georgia at Carolina.
Dahil dito, libu-libong kabahayan ang nasira habang ang iba ay nakararanas ng kawalan ng suplay ng kuryente.
Prayoridad naman ngayon ng emergency officials ang evacuation ng mga biktima ng bagyo at buhawi sa kabila ng pagpapatupad ng social distancing dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.