Connect with us

Buhay ni ex-PDEA Agent Morales, hindi na babalik sa normal matapos tumestigo laban kay PBBM – dating whistleblower

Buhay ni ex-PDEA Agent Morales, hindi na babalik sa normal matapos tumestigo laban kay PBBM – dating whistleblower

National News

Buhay ni ex-PDEA Agent Morales, hindi na babalik sa normal matapos tumestigo laban kay PBBM – dating whistleblower

Q: Would you agree na ‘yung buhay ngayon ni agent Morales ay hindi na babalik sa normal after niyang magsalita against the sitting president?

“Yes.”

‘Iyan ang sagot ni Sandra Cam, isang dating whistleblower na minsan nang nakabangga ang isang presidente ng Pilipinas.

Tumestigo siya noon kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa isyu ng jueteng.

Ganito rin ang nakikita niyang pinagdadaanan ngayon ng dating PDEA agent na si Jonathan Morales na siyang pumirma sa 2012 pre-operations report kung saan target si noo’y senador at ngayo’y Pangulong Bongbong Marcos ng isang anti-drug operation.

Lumitaw na sa imbestigasyon sa Senado si Morales kung saan inungkat kung paano nag-leak ang PDEA documents na naglalaman ng pangalan ng kasalukuyang pangulo.

“I really pitied him yesterday. As a matter of fact, I cried. Dahil alam ko mahirap dumepensa ng sarili niya. That everybody is getting his head yesterday. Lahat nalang tatawagin siya ng kung ano-ano,” ayon kay President, Whistleblowers Association of the Philippines, Sandra Cam.

Pinabulaanan ng kasalukuyang liderato ng PDEA ang mga rebelasyon ni Morales.

Katunayan, sa kasagsagan ng hearing, makailang ulit siyang tinawag na sinungaling ng mga opisyal ng anti-drug agency.

Pero payo ni Cam na presidente rin ng Whistleblowers Association of the Philippines, asahan na dadaan sa butas ng karayum ang bagong litaw na whistleblower.

“During my time, you GMA was so strong at that time. Pero, ang unang kumupkop sa akin ay ang simbahan. Lead by the late Archbishop Cruz sa CBCP. Then pinaubaya na niya ako sa Senator Ping Lacson,” dagdag pa nito.

Saad niya, si Former Senator Lacson ang nagbigay ng security detail bagay na dapat ring gawin ng mga senador.

Kaya panawagan niya kay Senate President Migz Zubiri at sa iba pa…

“Bigyan mo na ngayon. Sa kapanahunang ito, very volatile ang kaniyang buhay. At any moment pwedeng patayin, pwedeng kidnappin ang kaniyang anak,” ani Cam

Para naman sa isang law expert, may 2 opsyon na puwedeng gawin si Morales para humingi ng proteksyon.

“Sa tingin natin kung may tiwala sila sa DOJ, kasi ang DOJ is under the executive department, puwede silang mag-apply sa witness protection program sa DOJ. But kung hindi naman, pwede silang kumuha ng security dito sa Senado,” ayon naman kay Atty. Mark Tolentino.

Ayon pa kay Tolentino, karapatan din ng mga whistleblower na magkaroon ng abogado sa mga pagdinig.

Makikipag-ugnayan naman ang gruop ng mga whistleblower kay Morales para magpaabot ng tulong.

Panawagan naman nila sa pamahalaan, bigyan ng tamang pag-trato ang mga katulad nila na handang magbuwis ng buhay sa ngalan ng katotohanan.

“Focus lang, Mr. Morales. Just focus, I love you and I congratulate the way you answer sa hearing na ‘yan. And I’m hoping that by next hearing, kung marami nang senador huwag kang patitinag, stick na kung ano ‘yung nasa isip mo at katotohanan ng papel na lumabas. Just stick to that,” saad pa ni Cam.

More in National News

Latest News

To Top