Regional
Bulkang Kanlaon, may pagtaas sa gas emission – PHIVOLCS
Mayroong pagtaas ng sulfur dioxide emission ngayon sa Bulkang Kanlaon ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Sa record, nasa 2,707 toneladang gas ang inilabas ng Kanlaon at pumapangalawa ito sa naitalang 3,098 toneladang gas na inilabas ng bulkan noong Enero.
Nananatili parin namang nasa alert level 1 ang Kanlaon subalit ipinaalala ng PHIVOLCS na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer permanent danger zone ng bulkan sa Negros Island.
Binalaan na rin ang mga piloto na huwag lumapit sa tuktok ng Kanlaon.