Connect with us

Bulkang Kanlaon, posibleng itaas sa alert level 3

bulkang-kanlaon-posibleng-itaas-sa-alert-level-3

Regional

Bulkang Kanlaon, posibleng itaas sa alert level 3

Sira at hindi na mapapakinabangan pa ng mga magsasaka ang mga pananim na gulay sa Brgy. Pula, Canlaon City.

Ito ay matapos mabalot ng abo dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng bulkang Kanlaon.

Nakipag-ugnayan na ang Department of Agriculture (DA) sa lokal na pamahalaan ng Canlaon City, Negros Oriental sa posibleng tulong sa mga apektado.

Pinayuhan na rin ng ahensya ang mga magsasaka na maaaring ilipat o i-evacuate ang kanilang mga alagang hayop sa kanilang mga itinalagang livestock evacuation sites.

Sa inilabas namang advisory ng Canlaon LGU, araw ng Huwebes, Setyembre 12, 2024, umabot na sa 145 na pamilya o mahigit 400 indibiwal ang nailikas.

Kabilang sa mga apektadong barangay ay Pula, Masulog, Malaiba at Lumapao.

Bukod dito, suspendido na rin ang klase sa lahat ng antas sa La Castellana habang sa La Carlota City naman ay wala na ring pasok sa Brgy. Ara-al, Haguimit, San Miguel at Yubo.

Sa ngayon, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na hindi nila inaalis ang posibilidad na itaas sa alert level 3 ang bulkang Kanlaon.

Ayon kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol, “Puwede siyang itaas from alert level 2 to alert level 3 kasi it is always there.

We are waiting ‘yung sustain increase ng sulfur dioxide. Nakikita natin siyang tumataas. ‘Yung sulfur dioxide, 11, 556 tons pero bumababa ‘yung number of earthquakes, naging 70 to 79 na lamang.

So, tinitingnan kasi natin, would be magkaroon ng phreatic eruptions and magkakaroon na ng magma explosions and lava flows.

‘Yun ang hindi pa natin nakikita for now and ‘yung sustain increase ng volcanic earthquakes natin, very o hindi naman ma-sustain kasi bumaba siya. So, ‘yun ang tinitingnan nating parameters bago natin itaas to alert level 3.”

Hinihikayat ng Phivolcs ang mga residente na naninirahan malapit sa bulkang Kanlaon na iwasan muna ang pagpunta sa mga lugar na sakop ng 4 kilometers permanent danger zone.

Pinapayuhan din ang mga residente na palagiang magsuot ng face mask upang maiwasang malanghap ang asupre mula sa bulkang Kanlaon na posibleng magdulot ng masamang epekto sa kalusugan ng tao.

More in Regional

Latest News

To Top