Connect with us

Bulkang Kanlaon, posibleng puputok– Phivolcs

bulkang-kanlaon-posibleng-itaas-sa-alert-level-3

Regional

Bulkang Kanlaon, posibleng puputok– Phivolcs

Posibleng puputok ang bulkang Kanlaon ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Batay ito sa kanilang monitoring nitong Setyembre 9, 2024 kung saan mas napapadalas na ang seismic activities ng bulkan.

Sa ngayon ay suspendido na ang klase sa mga paaralang nasa 4km permanent danger zone ng bulkang Kanlaon dahil sa mga volcano-tectonic earthquakes.

Matagal nang nasa alert level 2 ang bulkang Kanlaon at dahil nga sa napapadalas na seismic activities ay maaaring itataas pa ang alert level nito.

Sakaling may ash fall event ay pinayuhan ng Phivolcs ang publiko na takpan ang ilong at bibig sa pamamagitan ng mamasa-masa at malinis na tela o kaya dust mask.

More in Regional

Latest News

To Top