Connect with us

Bulkang taal, muling nagbuga ng makapal na usok

Bulkang taal, muling nagbuga ng makapal na usok

Regional

Bulkang taal, muling nagbuga ng makapal na usok

Nananatili pa rin sa alert level 2 ang Bulkang Taal.

Kasunod ito ng muling pagbuga ng usok ng bulkan kagabi na nasa moderate level.

Batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), unang naitala ang pagbuga ng usok na may taas na 300 metro bandang alas 9:00 kagabi at sinundan ito kaninang alas 3:00 ng madaling araw.

Umabot naman sa 34 volcanic earthquake ang naitala sa ilalim ng bulkan.

Sa ngayon ay nananatili pa rin ito sa alert level 2, ibig sabihin ay possible pa rin ang mga pagyanig, phreatic explosions at volcanic gas expulsions.

Dahil dito ay muling pinaalalahanan ng PHIVOLCS ang mga residente na naninirahan sa paligid ng Taal na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa permanent danger zone.

More in Regional

Latest News

To Top