Connect with us

Bulkang Taal, muling nagbuga ng malakas na usok

Patuloy ang mas malakas na pagbuga ng usok ng Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.

National News

Bulkang Taal, muling nagbuga ng malakas na usok

Patuloy ang mas malakas na pagbuga ng usok ng Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.

Sa 8am bulletin ng PHIVOLCS, nagbuga ng moderate hanggang voluminous na usok na kulay dirty white ang bulkan sa nakalipas na 24-oras.

Tinatayang aabot naman sa 64 tons per day ang dami ng sulfur dioxide na inilabas nito.

Nakapagtala rin ang phivolcs ng 123 volcanic earthquakes na pawang mahihina lamang mula sa taal.

Sa ngayon ay nananatili pa rin sa alert level 3 ang bulkan na ibig sabihin ay posible pa rin ang malaking pagsabog, volcanic earthquakes, ash fall at lethal gas expulsions.

PINSALA SA KALSADA

Umabot na sa mahigit P137.16 milyon ang iniwang pinsala ng pagputok ng Taal Volcano sa mga kalsada sa lalawigan ng Batangas.

Ito ay batay sa huling tala ng Department of Public Works and Highway – Bureau of Maintenance (DPWH-BOM).

Ayon sa ahensya may malalaking bitak ang nakita sa mga pangunahing kalsada sa palibot ng lake sa probinsya dahil sa patuloy na pagyanig mula nang ito ay pumutok.

Kabilang sa mga apektadong kalsada na kailangan ng maintenace works ang bahagi ng Palico-Balayan-Batangas Road; Sinisian Bridge; Lemery Taal Diversion Road; Diokno Highway; Tanauan-Talisay-Tagaytay Road at Talisay-Laurel-Agoncillo Road.

Tiniyak din ng DPWH na agad aayusin ang mga kalsada at ipagpapatuloy ang clearing operations kapag idineklara ng ligtas ng PHIVOLCS-DOST ang mga lugar.

Samantala, nananatili naman aniyang sarado dahil sa lockdown ang 3 kalsada; ang Palico-Balayan-Batangas Road, Tanauan–Talisay–Tagaytay Road at Talisay–Laurel–Agoncillo Road.

More in National News

Latest News

To Top