Regional
Bulkang Taal, nakapagtala ng 12 na pagyanig sa nakalipas na 24 oras
Nakapagtala ng 12 pagyanig ang Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.
Batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang naturang seismic activities ng Taal ay tumatagal ng 2 – 4 na minuto.
Bukod dito, bumuga din ang Bulkang Taal ng mahigit 3,500 toneladang sulfur dioxide na umabot sa taas na 900 meters.
Sa kabila nito, nanatili pa ring nasa normal na lebel ang volcanic activity ng Taal at bagamat hindi naka-aalarma ay pinayuhan pa rin ang publiko na maging mapagmatyag at mag-ingat.
