Connect with us

Bumaril kay Kidapawan Broadcaster Ed Dizon, naaresto matapos ang 5 taong pagtatago

Bumaril kay Kidapawan Broadcaster Ed Dizon, naaresto matapos ang 5 taong pagtatago

Regional

Bumaril kay Kidapawan Broadcaster Ed Dizon, naaresto matapos ang 5 taong pagtatago

Hawak na ng mga awtoridad ang bumaril sa broadcaster na si Ed Dizon noong 2019 sa Kidapawan City.

Naaresto ito ng pinagsanib na puwersa ng Police Regional Office (PRO) 12 at Makilala Municipal Police sa pangunguna ni PLtCol John Miridel Racho Calinga sa Barangay Saguing, Makilala, Cotabato.

Kinilala ang suspek na si Jonell Gerozaga na sinasabing nagtago sa batas sa loob ng 5 taon bago naaresto.

Ayon sa ulat, pauwi na si Dizon sakay ng kanyang kotse nang tambangan ito ng 2 armadong lalaki sa bahagi ng Quezon Boulevard corner Diversion Rd Sinsuat St. Kidapawan kung saan nagtamo ng 5 tama ng bala na siya nitong ikinamatay.

Ayon kay Presidential Task Force for Media Security Executive Director Paul Gutierrez, ikinatuwa nila ang pagkakahuli sa prime suspect sa pagbaril kay Brodkaster Juan Jumalon aka Johnny Walker.

More in Regional

Latest News

To Top