Connect with us

Buong Hugpong ng Pagbabago party, nasurpresa sa pagbitiw ni Inday Sara

Buong Hugpong ng Pagbabago party, nasurpresa sa pagbitiw ni Inday Sara

National News

Buong Hugpong ng Pagbabago party, nasurpresa sa pagbitiw ni Inday Sara

“Nasurpresa”. Ito ang naging pahayag ni Hugpong ng Pagbabago Secretary General Anthony Del Rosario hinggil sa pag-resign ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa pagiging miyembro ng partido.

Ani Del Rosario, bagamat nananatiling suportado nila si Inday Sara, hindi umano nila inaasahang aanib sa isang national party ang alkalde.

Dahil dito, sinabi ni Del Rosario na magkakaroon sila ng meeting ngayong araw at posibleng makikipag-alyansa sila sa Lakas-CMD.

Kagabi ng nanumpa si Inday Sara sa harap ni Lakas-CMD President at House Majority Leader Rep. Martin Romualdez.

Sinaksihan naman ito ni Sen. Bong revilla, ang party chairman ng Lakas-CMD sa Revilla farm, Silang, Cavite.

More in National News

Latest News

To Top