Connect with us

Buong Luzon, isinailalim na sa enhanced community quarantine ni Pang. Duterte

Special risk allowance para sa mga frontliners, pinirmahan na ni Pang. Duterte

National News

Buong Luzon, isinailalim na sa enhanced community quarantine ni Pang. Duterte

Isinailalim na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa enhanced community quarantine ang buong Luzon hanggang Abril 12.

Ginawa ng pangulo ang anunsyo sa kaniyang public address kagabi sa Malakanyang, kasunod ng pagtaas ng bilang ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

“For this reason, pursuant to my powers as president under the constitution and republic act no. 11332, I am placing the entire mainland of Luzon under [community] quarantine until April 12, 2020, coinciding with the entire end of holy week.”

Kaugnay nito, inatasan ni Pangulong Duterte ang mga mayor, barangay captains at mga iba pang lokal na opisyal para ipatupad ang mga batas alinsunod sa deklarasyon ng national public health emergency para sa pagkontrol sa pagkalat ng Coronavirus.

Hinikayat din nito ang mga negosyante na makipagtulungan sa gobyerno at sila na kusang tutulong sa kanilang mga empleyadong maapektuhan ng quarantine at hindi makakapasok sa kanilang mga trabaho.

“Iyong sanang mga malalaking enterprises dito, maybe you can consider paying the 13th month pay or just paying them maski kalahati sa sweldo nila kung walang trabaho as a way of showing your solidarity with the Filipino at this critical time.”

Sa kaniyang talumpati, iginiit ng pangulo na dapat lahat ng trabaho ay gawin ng “work from home” para malimitahan ang pagsasalamuha ng mga tao.

“It will be an enhanced quarantine, during which the movement of everyone will be significantly limited. Work in public and private sectors shall be limited to a work-at-home arrangement. If such an arrangement is not feasible… kung pwede mong matrabaho ito tingi-tingi sa bahay mo, okay. Pero kung wala na, if they have no choice, you have to stay home. We have to contribute to the fight. Lahat tayo may contribution, ako, ikaw. Lahat tayo magbigay.”

Tiniyak din ni Pangulong Duterte na araw-araw silang magsasagawa ng assessment para dito ibabase ang mga gagawing adjustment ng mga ipatutupad na preventive measures.

Kaugnay nito, nilinaw ng pangulo na hindi katulad ng martial law ang ipinatupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

“But let me make this clear. This is not Martial Law. Under the constitution, Martial Law is declared when there is invasion, rebellion, or public safety requires it. Alam mo, ‘yung itong mga ganito, the freedom of movement is sometimes curtailed, ang sabihin ng mga tao Martial Law. This is not a Martial Law. Martial Law is ‘yung rebellion, may away, at public safety requires it. Ngayon, kung may invasion, ganun rin. Martial law. But wala dito. Walang invasion, walang rebellion, and public safety does not—public safety requires it. So hindi ito kailangan natin. Hindi ito Martial Law. Huwag kayong matakot, walang magdi-display ng baril diyan except ‘yung mga members ng Armed Forces or police.”

More in National News

Latest News

To Top