Connect with us

Buong PNP system, pansamantalang isinara dahil sa malawakang data breach

Buong PNP system, pansamantalang isinara dahil sa malawakang data breach

National News

Buong PNP system, pansamantalang isinara dahil sa malawakang data breach

Matapos ang tangkang pag-hack sa mga hawak na impormasyon ng Philippine National Police (PNP) logistics data information and management system nitong nakaraang linggo, sunod naman na biktima ng data breach ang PNP Firearms Explosives Office (PNP-FEO).

Kinumpirma mismo ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo ang nakababahalang pangyayari lalo pa’t mga sensitibong impormasyon ang hawak nila mula sa kanilang personnel hanggang sa iba pang malalaking personalidad sa bansa.

Bilang tugon, kasalukuyang naka-shutdown ang lahat ng system ng pambansang pulisya para bigyang-daan ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa lawak ng impormasyon o datos na naapektuhan ng nasabing data breach.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, “na-shutdown na po ngayon lahat ng pnp systems particularly mga frontline service natin tulad ng FEO. As of now po, kausap ko po mismo ‘yung ITMS personnel, ongoing pa po ‘yung validation and assessment and investigation po ng ating Anti-Cybercrime Group (ACG).”

Humingi ng 1 linggong palugit ang Information Technology System (ITMS) ng pambansang pulisya para sa ginagawa nilang imbestigasyon para malaman kung gaano kalaki ang nakompromisong impormasyon na hawak ng PNP.

Dagdag pa nito, “hopefully, within a week, we can put up additional enhance security to protect the systems.”

Nabatid na maging ang mga personal na impormasyon ni Information and Technology Secretary Ivan Uy ay na-leak rin ng hacker, kasama ang ilang pangalan ng senador at iba pang kilalang personalidad sa bansa

Sa panayam ng SMNI kay Department of Information and Communications and Technology (DICT) Undersecretary Jeffrey Ian Dy, “the suspect, the group of suspects is one handle at ang pangalan nila is “ph1ns” at ito ngang alyas “ph1ns” ay siya rin ang responsible sa pag attack doon sa ibang government agencies.”

Naniniwala sila na iisang tao o grupo lang ang nasa likod ng naturang data breach kasama na ang mga naunang nangyaring hacking incident sa ibang ahensiya ng pamahalaan.

Para sa DICT, hindi basta-basta ang nasa likod ng tangkang paghack sa mga sistema ng PNP at maging sa iba pang ahensiya ng pamahalaan dahil na pag-aralan nitong mabuti ang paaraan kung papaano pasukin ang mahahalagang datos ng 1 ahensiya.

Saad ng DICT, “alam mo itong umamin na sinabi niya na tinarget niya ‘yung PNP, he or she has 2 attributes. No 1 he has technical skills, given, hindi siya amateur, para siyang professional tester. 2, magaling din siya magsulat. Kasi sinusulat niya ang mga ginagawa niya. And he or she is communicating only to 2 particular groups o individual para ibalita yung ginawa niya. No. 3 very very patient and consistent. Feeling ko nga, wala siyang ibang trabaho kundi ito.”

Samantala, bukod sa iba pang ahensiya ng pamahalaan, bukas rin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na tumulong sa PNP kung kakailanganin ang kanilang cybersecurity capabilites .

Aminado ang AFP na hindi rin nalalayo ang kanilang hanay sa PNP na nangangalaga ng mahahalagang impormasyon na may kaugnayan sa mga operasyon at datos sa loob ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

“So far, sa ngayon, wala pa naman kaming natatanggap na request ang pnp, pero on our part willing kami na tumulong sa kanila.”

Batay sa pagtaya ng AFP, libu-libong cyber attacks ang kanilang namomonitor sa kanilang system bagamat agad naman nila itong nahaharang para maiwasan ang anumang leak sa impormasyon.

More in National News

Latest News

To Top