Connect with us

‘Bus explosion’ sa Cotabato, kinondena ng PNP

'Bus explosion' sa Cotabato, kinondena ng PNP

Regional

‘Bus explosion’ sa Cotabato, kinondena ng PNP

Kinondena ng Philippine National Police (PNP) ang nangyaring ‘bus explosion’ sa Aleosan, Cotabato.

Nabatid na isang 5 taong gulang na bata ang nasawi sa insidente habang anim na iba pa ang nasugatan.

Ayon kay PNP chief Police General Dionardo Carlos, may senyales na posibleng ‘terror attract’ ang nangyari at nagsasagawa na sila ng malalimang imbestigasyon.

Patuloy aniya nilang mino-monitor ang kondisyon ng mga biktima, kung saan ilan sa mga ito ay bata.

Ibinunyag ng mga saksi na may bitbit na bagahe ang hindi pa nakikilalang suspek nang sumakay ito sa yunit ng Mindanao Star Bus sa Kabacan, Cotabato.

Pero agad itong bumaba at iniwan ang  bagahe pagdating sa Pikit, Cotabato.

Samantala, tinitingnan ng mga imbestigador ang posibleng extortion at terror attack matapos ang operasyon ng Police Regional Office sa Pikit, Cotabato.

More in Regional

Latest News

To Top