Connect with us

Bus operators ng Araneta Bus Terminals, ayaw bumiyahe kasunod ng ipinatupad na social distancing

Bus operators ng Araneta Bus Terminals, ayaw bumiyahe kasunod ng ipinatupad na social distancing

Metro News

Bus operators ng Araneta Bus Terminals, ayaw bumiyahe kasunod ng ipinatupad na social distancing

Walang bus operator patungong Bicol at iba pang biyahe patungong Visayas ngayong araw ang gustong magbiyahe.

Ito ang kinumpirma ng management ng Araneta City Bus Terminal.

Ayon sa ilang mga tauhan ng naturang bus terminal, ito’y dahl sa krudo pa lang ay lugi na ang mga bus operators.

Kung tatalima sila sa social distancing na ipinatutupad ng pamahalaan dahil sa pagpigil ng pagdami ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon din sa Araneta Bus Terminal, ang laman ng bus patungong Bicol at iba pang probinsya sa Visayas ay nasa 45 lamang ang seating capacity.

Kung tatalima ang bus operator sa guidelines na inilabas ng Department of Transportation (DOTR) para sa road sector  na dapat  kalahati lamang ang kapasidad ng bus ang magiging laman nito ay malaking ang magiging ka-lugian  nito

Kahapon naiulat na may isang bus na lang ang nagbiyahe patungong Bicol dahil sa meron din daw itong special permit.

 

Ulat ni: Cherry Light

More in Metro News

Latest News

To Top