Connect with us

Business restructuring, isasagawa ng PAL

Business restructuring, isasagawa ng PAL

Business

Business restructuring, isasagawa ng PAL

Magsasagawa ng business restructuring ang Philippine Airlines (PAL) kasunod ng mababang revenue nito noong 2019 dahil sa nagpapatuloy na travel restrictions at flight suspensions sa mga lugar na apektado ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa ilalim ng restructuring program, magpapatupad ang PAL ng voluntary separation program para sa 300 ground-based administrative and management personnel nito.

Ang mga apektadong empleyado ay makatatanggap naman ng separation benefits, dagdag na trip pass privileges, at assistance sa pamamagitan ng career counseling at outplacement support mula sa kumpanya.

Patuloy naman ang isinasagawang management risks ng PAL kaugnay sa COVID-19 oubtreak para sa kalusugan at kaligtasan ng publiko.

Patuloy din ang assistance ng kumpanya sa pagpapauwi ng mga Pilipino galing sa mga apektadong lugar ng nasabing virus tulad ng repatriation flights mula Xiamen at Tokyo.

Naghahanda na rin ang PAL para sa bagong Cebu-Los Angeles nonstop flights at routes sa Perth, Pagadian, Kota Kinabalu at Manado.

More in Business

Latest News

To Top