Business
Business tycoon na si John Gokongwei Jr., pumanaw na sa edad 93
Pumanaw na ang bilyonaryong negosyante sa bansa na si John Gokongwei, Jr. sa edad na 93.
Ito ang kinumpirma ng anak nitong si Lance Gokongwei matapos malagutan ng hininga ang ama dakong alas-11:41 ng gabi noong Sabado, Nobyembre a-9 sa Manila Doctor’s Hospital.
Si Gokongwei ay nasa pangatlong puwesto sa Forbe’s Richest Filipino in 2019 na may kabuuang yaman na mahigit $5.8 billion.
Siya din ang founder ng JG Summit, na nangunguna sa air transportations, telecommunications, banking, food, power at property.
Itinayo din ni Gokongwei ang Universal Robina Corporation noong 1957.
Pagsapit niya noon sa edad na 80-anyos ay ibinigay niya ang P20- billion o kalahati ng kaniyang shares sa jg summit holding sa foundation ng kanilang kumpanya.
Sa ngayon ay hawak na ng kaniyang mga anak ang kaniyang mga negosyo.