Business
Buwis mula sa matatamis na inumin kulang ng P10B
IPINASISILIP ng Department of Finance sa Bureau of Internal Revenue ang mga beverage manufacturer kung tama ba ang ibinabayad nito na buwis sa pamahalaan.
Kungsaan ito ay nakasaad sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o Train Law.
Inihayag ni Finance Undersecretary Carl Chua, nasa P10B ang kulang sa koleksyon ng buwis mula sa mga matatamis na inumin.
Tulad ng mga carbonated drinks, juice drink, energy drinks at marami pang iba.
Inaasahan ng pamahalaan na matapos maipasa ang Train Law nasa P6 hanggang P12 na buwis ang pamahalaan.
Ito ay sa kada litro ng mga matatamis na inumin depende sa klase.
Nitong October 2018, base sa taya ng Department of Finance dapat nasa P40B na aabot ang tax collection mula sa sugary sweetened products.
Ngunit nasa P30 billion pa lang ang nalikom.
Suspetsa ng DOF na ang mga dapat magbayad ng P12 na buwis ay kalahati lang ang ibinabalik sa gobyerno.
Sa kabila nito ipinunto ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na nagkaroon pa rin ng malaking-ambag ng buwis mula sa sugary sweetened products.
Ito ay nagpasok ng nasa P100 million sa pamahalaan.
Magugunitang sinabi ng DOF na ilalaan ng pamahalaan sa health programs ng Duterte admin ang buwis na maikakalap mula sa mga matatamis na inumin.