Connect with us

CA, ibinasura ang hirit na TRO ni Senador Trillanes para sa kasong rebelyon

National News

CA, ibinasura ang hirit na TRO ni Senador Trillanes para sa kasong rebelyon

Tuloy ang pagdinig ng Makati Court sa kasong rebelyon ni Senador Antonio Trillanes.

Ito ay matapos ibasura ng Court of Appeals (CA) ang hirit ng senador na makakuha ng Temporary Restraining Order (TRO).

Ito ay upang pigilan ang muling pagbubukas ng kanyang kaso na may kaugnayan sa pagkakasangkot nito sa Manila Peninsula seige noong 2007.

Sa halip, inatasan ng CA ang Makati Regional Trial Court (MRTC) at Department of Justice (DOJ) na magsumite ng kanilang komento o opposition sa loob ng sampung araw matapos matanggap ang desisyon.

Nakatakda sanang magresume ang pagdinig sa kaso ni Trillanes ngayong Miyerkules pero ipinagpaliban ito ng Makati RTC branch 150 sa Mayo.

Noong nakaraang taon nang mag-isyu ng proclamation no. 572 si Pangulong Rodrigo Duterte na nag-aalis sa amnestiya ng senador na dahilan ng muling pagkabuhay ng mga dating nitong kasong kinakaharap.

 

DZARNews

More in National News

Latest News

To Top