National News
CAAP, nag-order ng bagong UPS matapos ang aberya sa NAIA
Bumili na ng bagong ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) matapos ang nangyaring aberya sa communications, navigation, and surveillance/air traffic management (CNS/ATM) system nila nitong Enero 1, o New Year’s Day.
Ayon kay CAAP Director General Manuel Antonio Tamayo, nag-order na sila ng 2 bagong units ng UPS nitong January 5 sa ilalim ng emergency procurement scheme.
Diin din ni Tamayo na napalitan na nila ang nasirang circuit breaker na kasamang nasira sa aberya.
Plano rin ng CAAP na itayo na ang Phase II ng kanilang CNS/ATM system na may budget na P139-M sa ilalim ng 2023 budget na inaasahang makukumpleto sa unang quarter ng 2024.
Ginawa naman ng CAAP ang pahayag sa pagharap nila ngayong araw, January 10, sa imbestigasyon ng Kamara sa nangyaring aberya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
