Connect with us

Calendar of activities para sa 2025 elections, inilabas na ng Comelec

Calendar of activities para sa 2025 elections, inilabas na ng Comelec

National News

Calendar of activities para sa 2025 elections, inilabas na ng Comelec

Batay sa inilabas na calendar of activities ng Commission on Elections (Comelec), sa August 31, ang huling araw ng registration ng Register Anywhere Program habang sa September 30, ang last day ng local at overseas registration.

October 1 hanggang October 8 ang panahon ng pasahan ng certificate of candidacies (COC) ng mga tatakbo at siya ring pasahan ng certificate of nominations and acceptance ng mga party group.

Ang election period at gunban ay iiral mula Jan. 12 hanggang Jun 11, 2025.

Ang campaign period ng mga senatorial candidates at party-list ay mula Feb 11, 2025, hanggang May 10, 2025.

Sa March 28, 2025, hanggang May 10, 2025, naman papayagan ang pangangampanya ng mga kandidato para sa House of Representatives at mga parliamentary, provincial, city at municipal official.

Naka-schedule bumoto sa April 13 hanggang May 12, 2025, ang mga overseas voter habang sa April 28 hanggang April 30 naman ang local absentee voters.

Pagdating ng May 11, 2025, ay ipatutupad ng Comelec ang liquor ban.

Bawal na rin ang pangangampanya pagdating ng May 11.

May 12, 2025, ang Election Day.

Ang pasahan ng SOCE ng mga kandidato ay itinakda naman sa June 11, 2025.

“Sana po tayong lahat ay tatalima at susundin ‘yung calendar of events,” ayon kay Comelec, Chairman, Atty. Goerge Garcia.

Muling nagpaalala ang Comelec na bawal na ang substitution ng mga kandidato pagkatapos ng October 8.

“Wala na pong substitution kung mag-wiwithdraw ‘yung kandidato, maliban na lang kung mamatay siya o madidisqualify na pupwede pang mapalitan hanggang tanghali ng araw ng eleksyon subalit ang papalit katulad ng family name at kapartido mismo iyong namatay o nadisqualify na kandidato,” ani Garcia.

More in National News

Latest News

To Top